https://www.facebook.com/imay.olila
23 April 2023
Gumising ka maaga, kasi linggo
Kahit nung nakaraang araw, gabi ka na din nakatulog Nagmisa ka, dalawa agad, Ginalingan mo, para magsimba ulit sila-
Ayaw mo silang madala
Pinilit mong kumbinsihin yung mga magulang bakit mahalaga ang first communion….
Sinikap mong màunawaan ng mga bata kung ano ang Banal na Eukaristiya…kulang na lang tumambling ka…
Dagdag isipin din
Pinagsabihan mo mga kabataan mo sa parokya, malilikot sila
Nayamot ka
Naglibing kang ng isang lingkod ng simbahan malapit sa iyong puso
Malungkot ka
Nagbasbas ka ng isang bagong kapilya at nakisaya sa kanila
Nakinig ng ilang musika sa isang pagdiriwang, nag enjoy ka sana, pero talagang pagod ka na…magdadadrive ka pa nga pala…
Simple lang naman gusto mo, sana sa hapunan, may itlog na pula

No comments:
Post a Comment