https://www.facebook.com/friends/requests/profile_id=100003655880140
GALIT YARN?
_______________
Di ko alam kung narinig nyo na 'tong theory/method na 'to..
Sabi, pag daw nagagalit ka, bumilang ka daw muna hanggang sampu (10) bago
ka mag-react sa galit mo. That way, napapakalma mo ang sarili mo at maiiwasan mong makagawa o makasabi ng hindi maganda out of anger.
(Di ko na alam kung gano karaming pagbilang ng sampu na ang nagawa ko, pero kung convertable yun into peso, mayaman na ang buong Pinas. haha.)
Naaala ko, the first time I used this 'method' was in Highschool. (and until now, inaapply ko pa din sya paminsan minsan. hehe.)
Yung classmate ko, kinuha ung notebook ko tas ayaw nya ibalik kase kokopya ata ng assignment ko. (tikas e no? ako pa kinopyahan? haha)
Padating na yung Teacher at pag nakita na nagpapakopya ako, syempre mapapagalitan ako.
Sabi ko sa Klasmeyt ko, "Uy, akin na yan! (pabebe voice)"
Ayaw ibalik.
Dumating ung Teacher, nakita ung notebook ko sa kanila.
Pinatayo kami sa harapan at pinagalitan.
Naalala ko ung inis ko non, kase ndi ko mapagtanggol ung sarili ko dahil I'm the awkward-quiet-brainy girl ng room.
Nagbilang ako upto 10. Yung 10 naging 20. Naging 30. Naging 50, tas 100. 'Di effective.
Di ko kinaya, sabi ko sa Teacher ko.
"Mam, hindi po ako nagpapakopya."
Tas sabay harap sa Klasmeyt ko na noon ay nakatayo din,
"Di ko kasalanan na patubuan lang ng buhok ang ulo mo."
(MTRCB. Wag nyo po itong gagayahin.)
Nagulat sila.
Mas nagulat ako.
Pambihira. Di ako ganito magsalita. Sabi ko sa sarili ko.
Pinaupo naman kami ng Teacher ko.
Natapos ung klase, umalis na yung Teacher namin.
Isa-isang lumapit sakin ung mga kaibigan ko.
At parang mga bubuyog na sinasabing..
"Tama lang ung ginawa mo."
"Ok lang yon."
"Kasalanan naman nya"
"Di ko alam na kaya mo pala magsalita ng ganon."
"ang galing mo don, napahiya mo sya."
Well, I won't say na hindi sya maganda sa pakiramdam kase it does. Feeling ko nakaganti ako dun sa pasaway na kaklase ko.
Pero deep in my heart, alam kong mali ung ginawa ko.
I could have just explained myself to the Teacher, no need to humiliate my classmate.
Anger is normal. Tao tayo e.
But without guidance, anger can make us say/do things we're not built of.
Hindi naman tayo built to degrade and humiliate others.
Hindi naman tayo built to say foul words.
And anger should never be an excuse to disrespect people.
Malinaw na sinabi sa Bible, “In your anger do not sin”: Do not let the sun go down while you are still angry, and do not give the devil a foothold." - Ephesians 4:26-32
So anong dat kong gawin pag galit ako, ate Jo?
Una, magbilang ng sampu. (gawin mo lang sa isip mo. wag mo iverbalize, baka sabihin ng kaharap mo binibigyan mo ng taning ang buhay nya. HAHAHA). Hanggang feeling mo may magagawa o masasabi kang ndi maganda, magbilang ka lang jan.
Hasty temper will make mistakes. - Proverbs 14:29
Keep your temper under control; it is foolish to harbor a grudge. - Ecclesiastes 7:9
At lastly, Don’t try to get revenge for yourselves, my dear friends, but leave room for God’s wrath. It is written, Revenge belongs to me; I will pay it back, says the Lord. -
Romans 12:19
Yan din ang pinakadahilan bat ndi ako naganti if someone does me wrong. Si Lord na bahala sa kanila. Yes, I can stand up for myself, pero pag sobra na, nako, si Lord na bahala pumalo sa kanila.
So kung galit ka as of the moment, sabayan mo akong magbilang upto ten. Hehe.