Mike Enriquez, posibleng naging pari kung hindi naging brodkaster (msn.com)
Sa "Surprise Guest with Pia Arcangel" noong June 2022, ikinuwento ni Mike na posibleng naging pari siya kung hindi siya naging broadcaster.
...
Sabi pa ni Mike, pumasok siya sa Franciscan seminary at namalagi roon ng hindi lalampas ng isang taon.
"Ako dapat one week lang eh. Tapos noong patapos na, sabi ko roon sa parents ko, 'Ayaw ko nang umuwi.''
Gayunman, hindi pumayag ang kaniyang mga magulang na tumuloy ng seminaryo si Mike.
"Sinabihan ako ng Rector, superior, na 'You cannot stay because wala 'yung consent ng parents mo.' Ang hagulgol ko no'n, grabe," ani Mike.