PARI SIYA
Maraming sinasabi tungkol sa kanya ang mga tao ngunit tinatanong ba siya kung ano ang totoo?
Tagapakinig siya ng mga problema ng iba, ngunit may nagtatanong ba kung siya’y may problema?
Tagapagdala siya ng kapatawaran, ngunit pinapatawad ba siya kung siya’y nagkukulang?
Tagapagpagaling siya ng mga maysakit ng kaluluwa, ngunit may nakakaalala ba kapag may sakit siya?
Tagapag-ugnay siya ng tao at Diyos, ngunit bakit pinagdududahan ang kanyang mga kilos?
Tagapag ingat siya ng mga sikreto ng iba, ngunit bakit itsini-tsismis siya sa kanyang Parokya?
Tagapaghatid siya ng katatagan at pag-asa, ngunit may aasahan ba siya kapag siya tumanda na?
Tagapangaral siya ng aral ng Panginoon, ngunit pinupuri ba siya sa magandang sermon?
Marami pang masasabi tungkol sa kanya may nakakainis, may nakakasiya, ngunit pipilitin pa rin niyang umunawa at ibibigay pa rin ang buhay niya para sa madla. Kahit sa maghapo’y pagod siya at nag-iisa, patuloy pa rin siyang maglilingkod dahil “PARI SIYA!”
(Straight from the Heart)

Let us Pray for Our Priests

(source: fr efre diaz' post 2022 aug 4)